Una sa Balita

Mga DLSU student imbensyon Balat ng saging ginawang straw

0 444

ISANG grupo ng mga estudyante ang nakadiskubre ng solusyon para mabawasan ang problema sa plastic na basura sa bansa.

Lumikha ang mga mag-aaral ng De La Salle University-Dasmariñas Senior High School ng pamalit sa plastic drinking straw gamit ang balat ng saging na saba, ayon sa Good News Pilipinas report.

Ang saging na saba ang ginagawang turon at banana cue.
Halos isang taon umanong pinag-aralan ang pag-develop sa balat ng saba bilang alternatibo sa plastic straw na bahagi ng requirement ng DLSU-D Senior High School.

Naisipan nilang gamitin ang saba sa pag-aaral dahil isa ito sa madalas na basura sa bansa.

Una umano nilang ginawa ay inalis ang fiber sa balat at saka ginawang bioplastic product sa tulong ng plasticizer.

Magkakaroon ng research conference ang DLSU-D High School sa Abril 29-30, 2020 kung saan ipiprisenta sa publiko ang kanilang mga research result. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More