Una sa Balita

Mga diwata ng dagat naispatan

0 265

Mga Ka-Misteryo nakakita na ba kayo ng mga diwata ng karagatan?

Karaniwan na­ting naririnig ang mga kuwento tungkol sa kanila at ang buong akala natin ay bunga lamang sila ng imahinasyon ng tao.

‘Yan ang ating misyon: “Kapag may Misteryo, ala­min ang totoo!”

Sa kuwentong karanasan ni Manny ng Ilocos, nagkayayaan silang magbarkada na mag-night swimming kasabay ng kaarawan ng kanilang katropa.

Pagkatapos maghapunan ng buong tropa ay nag-night swimming na sila bagaman may ilaw sila ay walang nakita si Manny na kasabay nila sa kabilang resort.

Nang bigla siyang may marinig na hagikgikan ng mga babae sa ‘di kalayuan, binalewala niya ito.

Malalim na ang gabi nang magpasya si Manny na maglakad-lakad muna sa buhanginan at napalayo na siya sa tropa habang dala niya ang cellphone para kung sakaling hanapin siya ay tatawagan na lamang siya.

Nang biglang marinig ni Manny ang hagikgikan ng mga babae at tila nagmumula ito sa isang batuhan sa tabing-dagat, medyo kinabahan si Manny pero nanaig ang kanyang interes na alamin at makita kung saan nagmula ang mga boses.

Pagkalapit ni Manny sa mga batuhan ay nabigla siya nang makita niya ang mga magagandang babae na nagtatampisaw at namangha siya, kakaiba ang kanilang ganda pero natakot din siya nang makita niyang may buntot ng isda ang mga babae.

Pabulong niyang nasabi sa sa­rili: “Sirena… may mga sirena.” Sabay pitik ng kanyang phone camera kaso ang siste, naka-on ang sound kaya nataranta si Manny at nag-alala na baka narinig siya.

Napatigil nga ang mga sirena at sabay-sabay silang sumisid sa dagat hanggang sa nawalang parang bula.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo kung nasaan ang nakuha niyang picture ng mga sirena, ang naisagot lang niya ay “Hindi lumabas ang picture, blangko lang.”

Maaaring sila rin ang gumawa ng paraan para mabura ang larawan o ‘di man kaya ay nagkamali si Manny kaya hindi niya nakunan ang mga sirena.

***

Para sa inyong mga kuwentong karanasang kababalaghan o Misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy