Una sa Balita

Mga dating kampeon maangas pa sa SEAG?

0 305

Hi YANGsters!
Kamusta ka­yo? Well, ako nagbibilang na ng araw para sa 30th Manila Southeast Asian Games (SEA Games).

Excited ako para dito, kasi gusto kong makita kung gaano ka-bongga at kakulay ang ika-4 na hosting ng Pilipinas ng pinakamalaking regional biennial meet sa Timog Silangang Asya na ayon nga sa PHISGOC (Philippines Southeast Asian Games Organizing Committee) ay nais nilang maging biggest at most-viewed in SEA Games history.
Nitong nakalipas na linggo ay naging abala talaga ako sa pag-iikot sa iba’t ibang National Sports Association (NSA).

Ilan sa mga nasilip ko ang preparasyon ay ang tatlong sport na nakatakdang gumawa ng debut appearance sa 30th biennial meet – ito ay ang kurash, sambo at kickboxing.

Noon ko nalaman na magbabalik aksiyon ang mga dating kampeon sa SEA Games.

Isa sa mga aabangan ko ay ang performance ng Philippine sports icon John Baylon, ang 9-time SEA Games judo champion na tinapik naman ngayon ng Philippine Kurash Team.

Maging si 2005 Games wushu champion at multi-world titlist Rene Catalan ay bibida rin sa SEA Games na makakasama naman ng Philippine Sambo Team.

Habang ilan sa mga world-class Filipino fighters­ naman ang balak­ tapikin ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) para sa bubuuing Philippine Kickboxing­ team tulad nina former One Championship bantamweight champion Kevin Belingon, UFC flyweight Jenel Lausa at MMA veteran Robin Catalan.

Malakas ang vibes ko na magandang laban ang ibibigay ng mga ito para sa Team Philippines.

Aminin ninyo, saanmang parte ng mundo ay kilala ang mga Pilipino bilang world-class fighters.

‘Yung araw-araw na laban nga sa buhay ay kayang malampasan na­ting mga Pinoy, ano pa kaya ang ilang minutong bakbakan sa loob ng mat, octagon cage o boxing ring?
Sa inyong lahat, good luck! Suportado ko kayo at ang YANGsters sa inyong laban para sa inang bayan. Hoping for an injury-free training.

***

Sa may mga suhestiyon sa mga future topic natin, maaari ninyo akong i-email sa ­mallare.arianne@gmail.com.

Hanggang sa susunod natin isyu, salamat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy