Una sa Balita

Mga ‘dancing’ partner ni Pacquiao nalagasan

By
0 1,470

DALAWA na lamang sa orihinal na tatlong ‘dan­cing’ partner ang naka-sparring kahapon ni eight-division Manny Pacquiao bilang paghahanda pa rin sa nalalapit na July 15 encounter kontra WBA 147-pound titlist Lucas Matthysse sa Axiata Arena sa KL, Malaysia.

Sa kabila nito, nananatiling mabangis ang pa­kita ng 39-anyos, ayon kay Australian George Kambosos, Jr.

“He’s (Manny) is okay, Keeps improving and improving as the days passed. He’s getting faster and faster,” kuwento ng Australyano sa manunulat na si Eddie Alinea sa ulat ng philboxing.com

Bukod kay Kambosos, kabilang pa rin sa naka-sparring ni Pacquiao si Philippine junior welterweight ruler Jheritz Chavez, habang si middleweight Arnel Tinampay ay lumipad na pa-Maynila para sa kaniyang laban sa susunod na linggo.

Ayon naman kay chief trainer Buboy Fernandez, habang nalalapit ang bakbakan ay hinay-hinay pa rin sila upang hindi masagad ang kondisyon ng ‘Pambansang Kamao’. (Ferdz Delos Santos)