Una sa Balita

Mga customer hinaharang para bumili 4 na lechon stall kinandado

0 364

Sinara ng lokal na pamahalaan ng Carcar City ang apat na stall ng lechon sa palengke.

Tinukoy ang mga sinarang tindahan ng lechon na Mercy Roels, Honeylette Navaja’s, Arlene Manreal’s, at Loreta Camanero’s.

Inutos ni Mayor Merceditas Apura ang aga­rang pagkandado sa mga lechon stall da­hil sa kawalan ng sanitary at business permit.

Nakatanggap din umano ng ilang reklamo mula sa mga customer ang apat na stall.

Kasalukuyan nang pinoproseso ng Apura City Council ang pag-apruba sa ordinasa na magpaparusa sa mga vendor na hindi rerespeto sa mga customer at lalabag sa iba pang regulasyon, kabilang ang kalinisan.

Isang residente ang nag-post sa social media hinggil sa masamang naranasan nito sa ilang lechon vendor sa Carcar City.

Kuwento ni Jesrel Villas, may ilan umanong tindero na humarang sa kanya para makita ang iba pang stall sa loob ng public market at pu­wersahan siyang pinabili sa kanilang tindahan. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy