Una sa Balita

Mga Curry nag-reunion sa All-Star

By
0 390

PARANG family reunion ng mga Curry ang 2019 NBA All-Star, ­buong weekend.

“It’s going to be incredible,” ani Dell Curry, ang dating NBA player na ama nina Steph at Seth Curry. “It’s going to be a mini family ­reunion.”

Si Dell ay commentator na ng Hornets TV network, at sa ­Charlotte pa gaganapin ang All-Star Week.

May family dinners sila, group outings, at siyempre, basketball.

Babalik sa kanilang hometown sina Steph at Seth, magiging magkatunggali din sila sa 3-point shootout ng Sabado (Linggo sa Manila) sa Spectrum Center.

Kinabukasan ay sasalang si Steph sa pang-anim na sunod ­niyang All-Star game.

“This just has the feel of the Curry family All-Star weekend,” sambit pa ni Golden State coach Steve Kerr.

Ang nanay ng magkapatid na si Sonya ang namamahala sa logistics ng pamilya – ­tickets, travel plans at hotel reservations. Nasa unahan ng invite list ng mga Curry ang kanilang mga lola – huling nasa All-Star weekend noong 1992 sa Orlando nang sumali si Dell sa 3-point shootout.

Binigyan ng NBA ang mga ­Curry ng extra tickets.

Ang mga kamag-anak nilang hindi taga-Charlotte, tutuloy sa isang hotel sa downtown Charlotte. Balak nina Dell at Sonya na doon na rin tumuloy para isahan na lang silang lahat.

Si Steph, may hiwalay na guest list at balak niyang limitahan sa 30 lang.

“I want you to write that loud and clear so you can help me keep the list small,” natatawang bilin ni Steph sa media.

Huwebes pa lang ay sabay nang dumating sa Charlotte sina Steph at Seth pagkatapos i-host ng Portland Trail Blazers ni Seth ang Golden State Warriors ni Steph. Kasama nila ang kani-kanilang pamilya.

Sina Stephen at Ayesha ay may tatlong anak, may isa si Seth kay Callie Rivers – anak ni Clippers coach Doc Rivers. Darating din ang kapatid nilang babaeng si Sydell, kelan lang ay ikinasal sa teammate ni Steph sa Warriors na si Damion Lee.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy