Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga COVID patient tinarget ng 2 kawatan

0 101

Kalaboso ang dalawang kawatan matapos mahuli sa pagnanakaw ng limang cellphone na pagmamay-ari ng mga COVID-19 patient na naka-admit sa isolation center ng South Poblacion, Naga, Cebu.

Kinilala ni Police Master Sergeant Jake Catane ang mga suspek na sina Francis Misenabre at Denver Dagohoy.

Lumabas sa imbestigasyon na pumupuslit ang mga suspek sa isolation room ng mga COVID-19 patient ng madaling-araw.

Kapag nakatulog na ang mga ito ay saka ninanakawan ang mga pasyente, ayon sa guwardiya ng pasilidad ay nahuli niya sa pagtakas ang dalawang kawatan ngunit bigong madakip ang mga ito.

SM food to go Banner Ad

Sa hot-pursuit operation ng Naga police ay nakorner sina Misenabre at Dagohoy.

Nilagay sa hiwalay na detention cell ang dalawa dahil pumasok ang mga ito sa isang COVID-19 facility.

Patuloy namang hinahanap ang isa pa nilang kasabwat na si Saddam Villarino. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.