Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga contact tracer pinalawig kontrata

0 293

Mananatiling may trabaho ang mga contract tracer ngayong 2022 matapos palawigin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang kontrata dahil sa mataas na COVID cases sa Metro Manila at ilang lugar sa bansa.

Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa Laging Handa press briefing na dapat ay nagtapos na nitong Disyembre 2021 ang kontrata ng mga kinuhang contract tracer ng subalit dahil biglang tumaas ang mga nagkakasakit sa COVID-19 ay ni-renew ng DOLE ang kontrata ng mga ito.

Ang nakabitin aniya ay ang contact tracers na kinuha ng Department of Interior and Local Government at Department of Health dahil may isyu sa budget. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.