Una sa Balita

Mga commuter umaray: SLEX naging parking lot

0 416

Mistulang parking ng mga sasakyan ang daanan sa Villamor hanggang Alabang kahapon ng umaga.

Ayon sa Twitter account ng South Luzon Expressway (SLEX), alas-5:20 ng umaga nagsimulang bumigat ang southbound lane sa Alabang at Calamba TP.
Pinaalala ng kompanya na magtatayo ng pansaman­talang steel ramp sa Alabang Viaduct.

Nagpaabiso rin ang SLEX na mula apat ay magi­ging limang lane na ang sasakupin para bigyang-daan ang Skyway extension project sa Muntinlupa. Nagpaha­yag naman ng pagka-stress ang mga netizen at nainis sa heavy traffic. “‘Yung dating 30 mins na byahe ko sa slex naging 1hr yung dating 3hrs kong byahe pa manila nagiging 4hrs pota! Ano na Sky way?! Papuntang bicol ba ko?!” ayon kay @itsyagirlcams.

Sabi naman ni JP Patrol, @dumidyeypee, If you are planning to go south thru SLEX, take alternate routes. Heavy traffic at SLEX Southbound from Nichols all the way to Alabang as of 6AM (imagine this early). Same reason, that SLEX extension na sana lang worth this horrendous sacrifice of us, commuters.”

Maging ang trabaho ng ilang komyuter ay apektado na rin, habang ang iba ay halos maiyak na lamang sa naranasang pagkaipit sa traffic.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More