Una sa Balita

Mga commuter ng MRT3, bumaba! — DOTr

0 350

Inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na bumaba ang bilang ng mga pasahero sa Metro Rail Transit (MRT 3).

Sa isang panayam, sa paglilipat sa operation at maintenance sa Clark International Airport ng DOTr at Bases Conversion and Development Authority­ (BCDA) sinabi ni Tugade na nabawasan ng tatlong tren ang da­ting labing walong train ng tumatakbo sa MRT3.

Una nang napaulat na nasilip ng Commission on Audit (COA) na bumaba ng 26 porsiyento ang ridership ng MRT3 sa loob ng apat na taon mula sa 140 milyon noong 2017 ay natapyasan ito hanggang 104 milyon noong 2018.

Idinahilan din ng DOTr na nakaapekto ang ibinabang bilis ng takbo ng tren mula 60 kilometro kada oras ay ginawang 30 kilometer per hour.

Kaugnay naman sa hindi paggamit ng Dalian train, sinabi ni Tugade na nakatakdang patakbuhin ito habang kinukuha ang pahintulot ng Sumitomo Corporation na siyang nangangasiwa sa rehabilitasyon at nagmamantine ngayon sa MRT 3.

Hinggil sa operas­yon ng Clark International Airport (CRK na ngayon)­ inaasahang­ lalong tataas ang rider­ship nito sakaling mabuksan na ang ikalawang terminal nito sa ikalawang bahagi ng susunod na taon.

Napag-alamang nasa 75 porsiyento na ang natapos sa Terminal 2 ng bisitahin ni Tugade ang takbo ng konstruksiyon nito kasama si BCDA President at CEO Vivencio Dizon. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy