Una sa Balita

Mga coal plant dugyot pa rin sa lockdown

0 629

Walang dapat ikatuwa ang publiko sa malinis na hangin sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagdurusa ng mga komunidad kung saan matatagpuan ang mga coal-fired power plant.

Ginawa ng Power for People Coalition(P4P) ang pahayag matapos iulat ng Institute of Environmental Science and Meteorology ng University of the Philippines-Diliman na bumagsak ng 180 percent ang level ng polusyon bunsod ng pinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ayon sa clean energy group, kahit mababa ang demand ng kuryente, inatasan pa rin ng Department of Energy ang mga power plant, kabilang na ang mga gumagamit ng coal, na magpatuloy sa kanilang operasyon.

“It’s great news that people in Metro Manila are starting to enjoy fresher air. But at the same time, we should not forget those in communities with coal power plants. They will continue to breathe in air contaminated with the byproducts of coal pollution,” saad ni P4P Convenor Gerry Arances.

Ayon sa clean energy advocate, ngayong maraming industriya at transportasyon ang tigil sa operasyon, ito ang tamang pagkakataon para sukatin ang lebel ng polusyong idinudukot ng mga coal-fired power plant.

Ang mga power plant na pinapatakbo ng coal ay nagbubuga sa hangin ng sulfur dioxide, nitrogen oxide at iba pang gaseous pollutants at bumubuo ng particulate matter na 2.5 um diameter na mas kilala sa PM2.5 na siyang ginagamit sa pagsukat ng air pollution.

“Coal pollution caused or worsens asthma, causes chronic obstructive pulmonary disease, stunted lung development or even death for infants, lung cancer, black lung, strokes, cardiac arrest, and developmental delay including reduced intelligence and mental retardation. If coal were to be introduced now, it would never get approval from governments, yet we let it’s use continue,” ani ni Arances.

Dahil sa available naman ang renewable energy, sinabi ni Arances na hindi na dapat ginagamit ang coal sa mga power plant.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More