Una sa Balita

Mga classmate nina Duterte, Go na sangkot sa korapsyon, ipinahuli sa PACC

0 901

HINDI umubra ang pagiging malapit ng isang opisyal kina Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go matapos ipahuli sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa isyu ng korapsyon.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na mismong sina Pa­ngulong Duterte at Senador Go ang humiling sa PACC para hulihin ang taong malapit sa kanila at dating mga kaklase dahil sa iregularidad.

Ayon kay Belgica, hiniling ng Pa­ngulo at ng senador na imbestigahan ng komisyon ang mga dating kaklase matapos makatanggap ng impormas­yon hinggil sa pagkakadawit umano sa katiwalian.

Gayunman, tumanggi si Belgica na ilabas ang identity ng pinaimbestigahan at ipinahuli ng Pangulo at ng senador

Patunay lamang aniya ito na walang sinisino ang Duterte adminis­tration kahit sino pa ang tamaan dahil zero ang tolerance ang adminis­trasyon sa mga gumagawa ng iregularidad.

“Si Senador Go may ipinahuli na kaklase, gayundin ang Pangulo, ipinahuli at ipinasibak ang dating kaklase. Wala ho talagang pilian. Pinakamasakit sa loob yung kaibigan mo eh, talagang nakakapanlambot ba,” ani Belgica.

Binigyang-diin ng opisyal na walang pilian sa mga iimbestigahan at magbabase lamang sila sa mga ebidensiya.

(Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More