Una sa Balita

Mga Chinese worker dagsa, mga pinoy inaagawan ng trabaho

By ,
0 2,649

NAAALARMA na si Senador Leila de Lima sa pagdagsa ng mga Chinese sa Pilipinas na nagiging kaagaw pa sa trabaho ng mga Filipino kung kaya hiniling nito sa Senado na imbestigahan ang immigration at labor laws sa bansa upang matiyak ang proteksiyon ng mga Pinoy sa mga trabaho.

Sa Senate Resolution No. 751, hiniling ni De Lima na imbestigahan ng kaukulang komite ang pagdami ng mga Chinese na empleyado at naninirahan sa Pilipinas na hindi lamang nagnanakaw ng trabaho para sa mga ordinaryong Pinoy kundi maging ang posibleng yaman na made-develop sa bansa.

“The increasingly laxed control mechanisms over the influx of Chinese nationals in the Philippines have led to concerns on whether we have enough capability to properly enforce our immigration and labor laws to the detriment of our national interest,” ayon kay De Lima.

Batay sa datos ng Department of Tourism noong 2017, tumaas ng 54.43 porsiyento ang mga Chinese na dumarating sa Pilipinas at tumaas din ng 33.4 porsiyento ang Alien Employment Permit (AEP) para sa mga dayuhan na nagnanais magtrabaho sa ating bansa.

Pinakamaraming AEP holders ang mga Chinese na lumago ng 45 porsi­yento noong 2016 mula sa 23.7 porsiyento noong 2013.

Sa nakalipas na 19 na buwan ng administrasyong Duterte, inihayag ni De Lima na mahigit 50 mga offshore gambling company para sa overseas Chinese ang binigyan ng permit para makapag-operate sa Manila na nag-empleyo ng 200,000 mga manggagawang Chinese simula noong 2016.

“The surge of AEP issuance means there is a number of available jobs in the Philippines, even while Filipinos continue to seek opportunities abroad and unemployment remains a concern,” giit ni De Lima.

Binanggit ng senador ang 10 dayuhan na karamihan ay Chinese na nahuli sa aktong nag-o-operate ng dredging vessel para sa lahar at black sand mula sa Macolcol River sa San Felipe, Zambales nang walang kaukulang permit.

“With the influx of Chinese nationals employed and residing in the Philippines, there is a dangerous possibility of the real estate market pricing out Filipinos out of their homes, especially in areas near businesses that heavily employs Chinese nationals, like casinos and resorts,” pahayag pa ni De Lima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More