Una sa Balita

Mga Chinese sa ‘Pinas lumobo sa pag-abroad ng mga Pinoy worker

By
0 642

HINDI ikinabahala ng Malacañang ang ulat na pagdagsa ng mga manggagawang Chinese sa bansa.

Sa harap naman ito ng pa­ngamba ni dating Pangulong Benigno Aquino III dahil naaagawan umano ng trabaho ang mga Pilipino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na walang dapat ikabahala sa pagdami ng mga Chinese lalo na kung wala namang ginagawang paglabag sa batas ang mga ito.

“Ito namang si dating Presidente…eh noong panahon mo eh, ‘di na ako, magsasalita. If he is concerned, we will also be concerned if his basis is correct. What was his basis? Was it statistics made by his group?” ani Panelo.

Ayon sa kalihim, kulang ng karpintero, welders at construction workers ang bansa dahil nag-abroad na ang karamihan sa mga Pilipino kaya dumami ang Chinese sa bansa.

Ito ang dahilan aniya kaya ina­tasan ni Pangulong Duterte ang Technical Educational and Skills Development Autho­rity (TESDA) na magsanay ng maraming mga Pilipino.

“We lack carpenters, welders and construction workers, that’s why the President ordered TESDA to train construction workers. Kasi ‘yan ang problema natin ngayon. We lack so many construction workers. Siguro that is why maraming Chinese na kinukuha,” dagdag ni Panelo.

Aminado ang kalihim na maraming Pilipinong walang trabaho pero kulang sa kakayahan o skills kaya mahalagang mag-aral muna sa TESDA.

Maging siya aniya ay nahirapang maghanap ng karpintero at welder para sa ipapagawang gate ng bahay na inabot ng anim na buwan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy