Una sa Balita

Mga Chinese criminal utak ng POGO

0 380

NANAWAGAN si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa gobyerno na i-revoke ang lisensiya ng Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa na aniya’y pinapatakbo ng mga Chinese syndicate.

“Tama naman ang China rito. Kanselahin na ang lisensya ng mga POGO on concerns of criminality and corruption. Iligal ito sa China. Ibig sabihin, mga Chinese criminal ang nagpapatakbo ng mga POGO dito sa Pilipinas,” sabi ni Pangilinan.

“It is the Philippine government that is condoning the operations of criminal syndicates. Nakakaduda tuloy kung totoo nga ba anti-crime and anti-corruption campaign ng administrasyong ito dahil pinapayagan ang mga Chinese criminal na malayang magsagawa ng mga iligal na negosyo dito sa atin,” dagdag nito.

Nitong mga nagdaang buwan, napansin din ng senador ang pagtaas ng krimen na kinasasangkutan ng POGO players at financiers na kadalasa’y hindi sinusunod ang batas ng Pilipinas.

“Meron pa ngang mga ulat ng pansamantalang pagpapakulong sa ating mga pulis at hindi pinapayagang imbestigahan ang mga pinangyarihan ng krimen. Ito ay pambabastos na hindi natin dapat pinapalampas,” ani Pangilinan.

“Meron ding mga isyu ng pananamantala sa mga manggagawang Tsino, ng mga iresponsableng opera­tor at ng ‘di pagbayad ng buwis sa industriyang ito.

‘Di dapat binabalewala ang mga ito,” sambit pa nito.

Matatandaan na itinigil na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang pag-iisyu ng bagong lisensiya sa mga POGO matapos na makiusap ang China.

Sa Cambodia, hindi na ire-renew ang lisensiya ng mga online casino bilang pagsunod din sa kagustuhan ng China na pangunahing kaalyado ng Phnom Penh. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy