Una sa Balita

Mga chesser paastigan sa Calauan

0 287

MAGKU-KRUS ng landas ang mga batikang woodpusher sa pag-arangkada ng pinakahihintay na 1st Calauan Laguna Dalawahan Rapid Chess Tournament sa Disyem­bre 30 sa Kanluran Co­vered Court malapit sa Calauan Town Plaza sa Calauan, Laguna.

Ang year-ender tournament na pangangasiwaan ni Fide Arbiter Reden Cruz ng Chess Arbiter Union of the Philippines ay magsisimula alas-10:00 ng umaga para sa Round 1.

Ayon kina tournament organizer Sosonty Caumban at Mikhail Laoagan, tumataginting na kabuuang P40,000 ang papremyo sa mga magwawagi kung saan nakalatag ang P12,000 plus trophy sa Dalawahan champion.

Nakataya naman sa second placer ang P8,000 plus trophy habang sa third hanggang 8th placers ay tig P5,000, P3,000, P2,000, P1,500 at P1,000, ayon sa pagkakasunod.

May category awards para sa top lady, top senior, top unrated, top Elementary, top High School, top College at top Calauan na tig P1,000 plus medal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy