Una sa Balita

Mga buwitre ng kalamidad

0 471

Dear Abante:

Nais ko lamang pong magbigay ng aking hinaing patungkol sa mga organisasyong gustong manamantala sa ating mga kababayan sa oras ng sakuna.

Aakalain mong tila lehitimo ang ginagawang ­paghinging tulong o donasyon ng mga organisasyong ito para raw ipamahagi o ibigay sa mga nabiktima ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal ngunit ang totoo, prente lang nila ang talagang pagtulong dahil sa kanila lang din naman pala mapupunta ang mga hinihingi nila.

Paraan na naman nila ito upang makapanlinang ng kapwa. Sa halip na ang mga nakukuha nilang donasyon ay dadalhin o ipapadala sa Batangas ay kukurakutin lang nila ito at ibibigay sa kanilang mga kasama sa ­kabundukan o ‘di kaya’y magiging pondo na nila para sa kanilang mga mapanlinlang na mga aktibidades.

Hindi pa rin ba sila nakokonsensya sa mga pinaggagagawa nila? Ang lalakas ng loob ng mga taong ganid na ‘to para lumikom lamang ng pera mula sa mga taong ang gusto lang naman ay makatulong sa kapwa nila Pilipino.

Hinihikayat ko ang bawat isa na gustong magpaabot ng tulong, na sa mga ahensya na lamang ng ­pamahalaan tayo sumangguni dahil alam kong mas lehitimo at ­talagang maipapaabot ang ating mgatulong kung ­manggagaling sa kanila.

‘Yun lamang po at maraming salamat.

Sheila Mae Viernes

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More