Una sa Balita

Mga butas sa quake, ulan-baha ‘readiness’, tinatapalan na

By
0 2

Sinimulan nang repasuhin ng NDRRMC ang mga butas sa mga planong paghahanda sa posibleng pagtama ng malakas na lindol at pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Pinangunahan ni NDRRMC vice chairperson at DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy ang pulong na dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Kabilang sa mga ikinukonsidera ay ang mga punto ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo na mas ayusin pa at ga­wing magkakatugma ang mga plano sa pagtugon sa emergency ng lokal na pamahalaan.

Abante Hiring – IT dep

Pinamamadali naman ni Cuy ang pagsasapinal ng mga plano sa banta ng magnitude 7.2 lindol sa Metro Manila at kalapit na lalawigan upang maisalang na ito sa pagsubok o dry run.