Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bus, jeep bawal pa punuan – LTFRB

0 104

Mananatili pa rin sa 70% ang kapasidad ng mga pasahero ng mga public utility vehicles (PUV) sa National Capital Region (NCR) ngayong Christmas season bagama’t patuloy ang pagbaba ng bilang ng hawaan sa COVID-19.

Nitong Miyekoles ay naglabas ng memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa updated guidelines sa passenger capacity ng PUVs na ipinatupad nitong Disyembre 9 hanggang January 4, 2022.

Ayon sa LTFRB, ang PUVs gaya ng mga jeepneys, railways, buses at UV Expressay pinapayagang magsakay ng maraming pasahero sa NCR dahil sa pagbaba ng mga kaso ng COVID nitong Nobyembre.

“For regions surpassing the 30% vaccination rate as of December 1, the passenger capacity will be increased from 50% to 70%,” batay sa statement ng LTFRB.

Para naman sa iba pang rehiyon, ang passenger capacity ay mananatili naman sa 50% at papayagan lamang na itaas ang kapasidad kung ang vaccination rate ay mahigit 30% na.

Pero bago ang ipatupad ay magsusumite muna ang Regional Franchising and Regulatory Board ng memorandum na may kaakibat na sertipikasayon ng vaccination rate mula sa Regional IATF (Inter-Agency Task Force) o Department of Health Regional Office. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.