Una sa Balita

Mga buntis, kasama sa mga nasawing migrants

By
0 0

Labing tatlong bangkay na kinabibilangan ng mga buntis na babae ang natagpuan ng mga rescuers, na tumutulong sa bangka na punung-puno ng mga migrante sa karagatan ng Libya, habang pinalalawig pa ng EU member states ang anti-human trafficking scheme sa Mediterranean.

“Thirteen corpses in total. People who had names, surnames, mothers, fathers, friends, and lives,” pahayag ng Proactiva Open Arms, isang Spanish NGO na tumutulong sa pag-rescue sa Mediterranean, sa kanilang post sa Twitter.

“We have found 167 people drifting,” kung saan sinabi nila na ilang babae na buntis at ina ang kabilang sa mga patay na una nilang natagpuan.

Ang ‘Save The Children ship’ ay nakapag-rescue ng may 70 migrants na sakay sa isang maliit na Bangka noong Martes.