Una sa Balita

Mga bullfrog pinakawalan kontra dengue

0 363

UPANG malabanan ang paglaganap ng dengue sa kanilang pamayanan, isang barangay sa Quezon City ang gumawa ng kakaibang hakbang para mapatay ang mga lamok.

Tinatayang 1,000 bullfrog ang pinakawalan sa estero ng Barangay Old Balara sa pag-asang makatulong ito sa pagsugpo ng dengue.

Sa official Facebook page ni Old Balara Barangay Captain Allan Franza, naniniwala ito na makakatulong ang mga palaka sa pagsugpo ng dengue dahil sa kinakain nila ang mga lamok. Ang Aedes aegypti mosquito ang siyang nagdadala ng virus na nagiging sanhi ng dengue fever.

Karamihan sa mga lokal na pamahalaan ay gumagamit ng fumigation at paghikayat sa mamamayan na linisin ang kanilang kapaligiran.

Sa datos ng Department of Health, mula Enero 1 hanggang Agosto 3 ay pumalo na sa 188,562 ang tinamaan ng dengue sa buong kapuluan at 807 katao na ang namatay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy