Una sa Balita

Mga bulkan sa ‘Pinas ginamit sa pantasya, romansa, drama

0 410

Tanaw Balik

Ni: Ruel Mendoza

Dahil sa pag-alburoto ng Bulkang Taal, bigla kong naalala ang mga pelikulang ginamit ang mga bulkan sa Pilipinas. Naging background ang mga pamosong bulkan para makabuo ng kuwentong pantasya, drama, romansa at maging aral sa maraming kabataan ang naging experience ng mga survivors.

Heto nga ang mga iyon…

***

ANAK NG BULKAN (1959)

Pinagbidahan nina Fernando Poe Jr., Edna Luna at ang child actor pa lang na si Ace Vergel na gamit ang pangalan na Ace York. Tungkol ito sa Bulkang Apo na bigla na lang umusok nang abusuhin ng mga tao ang kapaligiran ng bundok. May paniniwala na maghahasik ng lagim ang Apo at isang halimaw na ibon ang iluluwa ng bulkan para ubusin ang mga tao dahil sa pagsira nila sa kalikasan. Noong sumabog ang bulkan, isang malaking itlog ang iniluwa nito at gumulong sa isang bahay kunsaan nakita ito ng isang bata. Noong mapisa ang itlog, inalagaan ito ng bata hanggang sa maging magkaibigan sila ng dambuhalang ibon. Dinirek ito ni Emmanuel Rojas at nagkaroon ito ng remake noong 1997 na pinagbidahan naman ng dating child actor na si Tom Taus, Jr.

***

APOY SA PUSO (1992)

Isang volcanologist ng Taal Volcano na si Bob (Ricky Davao) ay may extra-marital affair sa kanyang co-worker (Bing Loyzaga) at alam ito ng kanyang asawa na si Beatriz (Dawn Zulueta). Nakilala naman ni Beatriz ang isang photographer (Gary Estrada) na kanyang nakarelasyon nang lihim. Sa gitna nito ay ang isang nanganganib na pagputok ng Taal Volcano at ang effort ni Bob na mailigtas ang lahat ng tao na nakatira sa paanan ng bulkan. Mula sa direkyon ni Laurice Guillen, nanalo ito ng FAP awards for best cinematography and best production design.

***

LAHAR: PARAISONG ABO (1997)

Sa pelikulang ito na dinirek ni Mel Chionglo, pinakita ang epekto sa iba’t ibang tao pagkatapos pumutok ng Mount Pinatubo pagkatapos ng 400 years. Naapektuhan ang mga magkakapitbahay sa San Simon, Pampanga tulad ni Sheila (Dawn Zulueta) na isang OFW sa Germany na umuwi dahil nawala na ang lahat ng kanyang pinundar sa Pilipinas. Si Sonia (Jaclyn Jose) na patuloy na hinahanap ang nawala niyang mister at nagpapanggap na pilay para makapaglimos. Si Ditas (Sharmaine Suarez) na umuwi ng Pampanga pagkatapos itong mabuntis sa Maynila. At si Elena (Daria Ramirez), namatayan ng buong pamilya sa pagsabog ng bulkan pero pilit niyang ipagpatuloy ang kanyang buhay. Nanalo rito ng dalawang best child actor awards si Tom Taus, Jr. bilang inosenteng bata na nasaksihan ang hirap at pagbabago ng mga tao sa paligid niya.

***

MILAGROS (1997)

Isang babaeng paupahan si Milagros (Sharmaine Arnaiz) na naging kasambahay sa pamilya na puro lalaki (Dante Rivero, Joel Torre, Raymond Bagatsing, Noni Buencamino) at lahat sila ay nagkaroon ng ugnayan kay Milagros. Naging dahilan ito para mag-away-away sila. Dahil sa kanyang nagawa, inakyat ni Milagros ang Mt. Bahanaw para humingi ng tawad at malinis ang kanyang kaluluwa sa mga masasamang nagawa niya sa kanyang buhay. Mula sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya, naging Philippine entry ang Milagros sa Best Foreign Language Film ng 70th Academy Awards. Nanalo naman ito ng sampung Gawad Urian Awards including best picture, best director, best actor (Raymond Bagatsing) and best supporting actress (Elizabeth Oropesa).

***

SURVIVING THE ERUPTION AT MT. PINATUBO (2005)

Isang TV-movie documentary na dinirek ng American director na si Gareth Harvey at prodcued ng National Geographic Channel. Pinakita rito ang ilang survivors sa eruption ng Mount Pinatubo. Pinagbidahan ito ni Alex Calzado, Ulysses Fino, Dieter Gruenberg, Terry McDonald and Bong Mendoza.

***

MAYON: THE VOLCANO PRINCESS (2010)

Ang documentary film na ito ay tungkol sa mga taong nakatira sa paanan ng Mayon Volcano. Kung paano sila nabubuhay at kung ano ang kanilang pangamba kung sakaling sumabog ulit ang Mayon. May mga interviws din aa mga nakasaksi at naka-survive sa mga nagdaang pagputok ng Bulkang Mayon.

Mayon: The Volcano Princess contains interviews with local residents, officials, and scientists, as well as an animated recreation of the tragic legend of Princess Magayon who is believed to be buried under the volcano.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More