Una sa Balita

Mga Bulakenyo pasiklaban sa chess

0 290

TAMPOK ang mga manlalaro mula Bulacan sa susulong na Santa Maria Town Fiesta 2020 Chess Challenge sa Grace of Shekinah School Gymnasium sa Santa Maria, Bulacan sa darating na Linggo, Pebrero 2.

Ayon nitong Linggo kay Engr. Norberto de Jesus, lalahok din ang mga manlalaro ng Metro Manila at karatig probinsya sa non-master at kiddies 14-years old and under categories sa one-day event na ang punong abala ay si Fiesta 2020 President Christopher Trajano.

Ang registration fee ay P350 sa non-master division at P300 sa kiddies 14-below sa seven-round Swiss System tournament. Ipatutupad­ ang time control na 20 minutes na may 5 seconds­ delay per player,­ play-to-finish at no pooling of prizes.

May cash prizes sa non-master division champ na P6,000 habang sa runner-up ay P3,000 at third-placer ay P1,500. Ang next two chessers ay magbubulsa ng tig P1,000 at P700 habang ang sixth hanggang 8th placers ay may tig-P500.

Ang Top Santa Maria ay magsusubi ng P1,000 habang tig P500 naman sa Top Bulakenyo, Top HS/College, Top Lady at Top Senior.

Sa kiddies ang first three winners ay may P3,000, P1,500 at P1,000 habang ang next two placers ay may P600 at P400. May tig-P300 ang sixth-eight placers. Hahamig din ang Top Santa Maria at Top Bulakenyo ng P500 each. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More