Una sa Balita

Mga brgy captain na sangkot sa droga, susunod na target ni Duterte

0 406

NAKALINYA na ang mga barangay captain na magiging susunod na target ng war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa harap na rin ito ng banta ng Pangulo na papatayin ang mga nagpapakalat at nag-oope­rate ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang pagbisita sa Batangas City nitong Miyerkoles Santo na talamak na ang problema sa iligal na droga at maraming nanalong barangay captain dahil sa illegal drugs.

Hindi aniya nakaligtas sa kamay ng mga sindikato ang mga barangay captain kaya sila ang isusunod ng kanyang war on drugs.

“Sa panahon ko maraming nanalong barangay captains, almost 53,000 — 44,000 barangay captains. Mamamatay rin kayo. Huwag kayong mag-alala, susunod kayo. Itaga mo ‘yan sa bato ni Bato!,” anang Pangulo.

Sinabi ng Punong Ehekutibo na mayroon pa siyang tatlong taon at uubusin niya ang lahat ng barangay captain na sa sangkot sa droga para wala na aniyang problema.

Hindi naman nagpakita ng pagkabahala si Pangulong Duterte sa posibilidad na makulong o mapatay dahil kapag naunahan niya ang mga ito ay tala­gang uubusin ang mga kapitan de barangay na sangkot sa iligal na droga. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy