Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga boylet pumalag: Ivana inawat, binawalang maghubad

0 432

Sa wakas, may damit na siya! Ganiyan ang reaksiyon ng ibang fan, lalo nang mga kababaihan, o may mga edad, sa bagong photo ni Ivana Alawi sa Instagram.

Kapansin-pansin nga kasi ang sunod-sunod na post ni Ivana nga mga photo niya sa Instagram na may damit siya, o balot na balot. Noon nga kasi, halos hubo’t hubad na si Ivana sa mga larawan niya.

Kaya naman naloloka na ang mga tagahanga niyang babae, at inawat siya sa paghuhubad. At nakinig naman ang dalaga, dahil yun na nga, sunod-sunod na puro nakadamit siya.

Pero siyempre, maraming boylet pa rin ang hindi sanay, at mas gusto nila na hubo o nakasilip pa rin ang alindog ni Ivana. Sabi nila, huwag makinig si Ivana sa mga oldies na nagri-request na magdamit naman siya, at mas sundin ang hiling ng mas nakararami niyang fan, at `yon nga ay mag-post siya ng mga photo niya na seksi pa rin siya.

“Doon naman siya sumikat. Yun nga ang dahilan kung bakit ang dami-rami niyang follower sa Instagram, YouTube at pati na sa Facebook, `yun ay dahilan sa pagpapaseksi niya.

“Naku baka mabawasan na ang mga fan niya, ha! So, please lang Ivana, bumalik na sa dati mong attitude, fierce kung fierce sa paghuhubad,” sabi ng mga fan na tila nagmamakaawa pa na maghubad ulit si Ivana.

Pero sa ngayon, mas pinakikinggan muna ni Ivana ang mga fan niya na konserbatibo kiyeme, kaya paseniya na guys, puro balot na balot muna ang mga photo niya sa social media. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.