Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga botante uubusin turukan bago eleksiyon

0 165

Target ng Duterte administration na mabakunahan ang lahat ng adult population laban sa COVID-19 bago sumapit ang eleksiyon sa Mayo.

Sa harap ito ng patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 habang nalalapit ang halalan kung saan kailangang lumabas ang mga tao para bumoto.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ito ang dahilan kaya pinabibilisan ang vaccination rollout para masigurong protektado ang adult population at makaboto sa Mayo.

“As far as the administrarion of President Duterte is concerned, ang target natin before election – the election day, kailangan lahat ng ating adult population ay fully vaccinated na,” ani Nograles. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.