Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bossing ‘di nagtaas ng sweldo – ABS-CBN

0 30

Tuloy-tuloy ang kusang pagpapatapyas sa sweldo ng limang big boss ng ABS-CBN, pati ng iba pang matataas na opisyal ng kumpanya, para makatulong na makabangon ang Kapamilya network mula sa pagpatay ng Kamara ng prangkisa nito.

Nilinaw ng ABS-CBN na hindi tinaasan ang sahod ng mga bossing o senior management ng kumpanya mula 2019.

Ang presidente at CEO mismo ng kumpanyang si Carlo Katigbak pati na ang COO ng broadcast na si Cory Vidanes ang nanguna sa hakbang na ito. Dahil na rin sa matitinding krisis na pinagdadaanan ng ABS-CBN dala ng pag-shutdown ng kanilang pag-broadcast at epekto ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At hanggang ngayon, patuloy pa rin ang kanilang pagsasakripisyo na boluntaryong ginawa ng mga Kapamilya executive. May iilang bossing na nagdesisyong liitan nang konti ang pagbawas sa kanilang sweldo ngayong 2021. Ito ang paliwanang kung kaya’t may bahagyang pagtaas sa kikitain ng mga bossing.

Anyway, narito ang kabuuang statement ng ABS-CBN:

“ABS-CBN has not raised the salaries of its senior management since 2019. In fact, the senior management, including its president and CEO Carlo Katigbak and COO of broadcast Cory Vidanes, continues to voluntarily accept a substantially reduced salary.

“All salaries are down substantially since 2019. This year, there are officers who opted for a reduced pay cut, which explains the slight increase as compared to 2020. But nobody received an increase vs 2019 salaries.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.