Una sa Balita

Mga boss ng TV network napraning sa PUI na top executive

0 1,220

Isang top executive ng news department sa isang local network ang PUI o Patient Under Investigation matapos makaranas ng mga sintomas ng COVID-19.

Sampung araw ang hihintayin bago malaman ang resulta ng test.

Napraning naman ang mga kapwa niya boss dahil sa umano’y exposure nila sa kanya.

‘Yung isa, tila umurong ang buntot. Takot na takot. Agad nag-work from home at nag-self quarantine. Kung tutuusin, wala naman siyang direct exposure sa kapwa boss na PUI at hindi siya maituturing na PUM o Person Under Monitoring.

Ang masaklap, wala siyang pakialam sa mga tao niyang nagfi-field work. Noon pa raw nagre-request ng work from home, pero deadma siya. Ang iba naman sa kanila, diumano’y PUM na dahil sa exposure sa mga taong nagpositibo sa COVID-19. Pero tuloy pa rin sa pagkalap ng balita.

Nag-allot naman daw ng billeting house para hindi na uuwi sa kani-kanilang bahay ang mga empleyado. Ang problema, sampu sila kada kuwarto. Kahit pa sabihing hiwa-hiwalay sa kama, nasusunod pa kaya ang social distancing doon?

Kung tutuusin, may option naman silang mag-leave. ‘Yun nga lang – no work, no pay. Kaya marami ang napipilitan pa ring magtrabaho kahit takot.

Balik tayo sa boss na PUI – eto pa ang isa, takot na takot din daw ang isang TV anchor dahil may pagkakataong nakatabi niya sa upuan ang boss na PUI. Marami ng nalampasang delikadong coverage ang anchor na ito. Pero siyempre, shokot siya rito.

Di mo naman masisisi, talagang nakakatakot. Kahit naman sino siguro, mawiwindang sa kaba lalo pa’t hindi mo nakikita ang kalaban.

Ang nakalulungkot lang – pag sarili nila, work from home agad. Pero ang mga tao nila sa labas, ayun nganga pa rin. Hanggang ngayon, naghihintay ng ayudang masks at PPE o Personal Protective Equipment.

Ang chika, nakarating na raw sa Department of Labor and Employment ang isyung ito. Abangan natin ang susunod na kabanata.

Sa totoo lang, talagang kapuri-puri ang media. Gaya rin sila ng mga doktor, nurse at medical personnel na ibinubuwis ang buhay sa laban ng mundo kontra COVID-19.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More