Una sa Balita

Mga biyaherong opisyal target ng PACC

0 254

SINISILIP na ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang ilang reklamo ng madalas na biyahe sa labas ng bansa ng mga opisyal ng gobyerno.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, bukod sa patong-patong na reklamo ng katiwalian ay ipinapasilip na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panay-panay na biyahe ng mga opisyal ng gobyerno sa abroad.

Kabilang sa mga iniimbestigahan ay mga nasa secretary level, Undersecretary at Assistant Secretary, subalit tumanggi si Belgica na tukuyin kung sino-sino ang mga ito at kung ilan ang iniimbestigahan ng PACC.

“May mga officials na excessive ang foreign trips at ipinapasilip ito ng Presidente,” ani Belgica.

Sinabi ng opisyal na mismong si Pangulong Duterte ang nakadiskubre sa aniya ay ‘excessive’ foreign trip ng mga opisyal sa kabila ng direktiba nito na bawal na ang bumiyahe abroad at kailangan ang approval nito bago makabiyahe sa abroad ang isang opisyal.

Matatandaang noong nakalipas na taon ay nagalit si Pangulong Duterte sa out-of-the country trip ng mga opisyal gamit ang pondo ng gobyerno kaya’t sinibak nito ang lahat ng opisyal ng isang ahensiya at iniutos na walang makakapag-abroad na mga opisyal hangga’t hindi nito inaaprubahan.

Pero sa kabila ng direktiba ng Presidente, mara­ming mga opisyal pa rin mula sa ehekutibo ang nagpapaligsahan sa pagbiyahe sa abroad. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy