Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga biyahero galing `Pinas bawal sa Hong Kong

0 210

Magpapatupad ng travel ban ang Hong Kong sa mga bibiyahe mula Pilipinas sa susunod na dalawang linggo.

Ayon sa gobyerno ng Hong Kong, magsisimula ang travel ban sa Abril 20.

Bukod sa Pilipinas, pinagbawal din ng Hong Kong ang pagpasok sa kanilang bansa ng mga magmumula sa India at Pakistan.

Ipatutupad ang travel ban dahil nakapasok na umano ang N501Y variant sa Hong Kong, kung saan ang mga carrier ay nanggaling sa tatlong bansa.

Dahil dito’y tinawag ng gobyerno ng Hong Kong na “extremely high risk” ang Pilipinas, Pakistan at India.

Base sa datos ng Johns Hopkins University, nasa 11,653 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Hong Kong habang 209 ang nasawi. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.