Una sa Balita

Mga bisita pinagtaguan ng senador

0 549

NADISMAYA ang ilang mga dating supporter ng isang miyembro ng Upper House dahil matapos siyang tulungan sa nagdaang senatorial election, heto’t parang basura na ang tingin nito sa kanila.

Ayon sa nasagap ni Mang Teban, minsang du­malaw ang isang grupo ng mga opisyal ng mga barangay sa isang lalawigan sa Sou­thern Tagalog sa Senado para makipagpulong sana sa senador na ito na kanilang tinulu­ngang manalo sa kanilang lugar.

Subalit hindi umano sila hinarap nito sa kadahilang marami raw itong kausap at bumalik na lang sa ibang araw.

Muling nagtakda ang staff ng senador na ito sa kanilang pagkikita subalit hindi na naman natuloy. Ang dahilan naman ng mambabatas, may committee hearing naman siyang dadaluhan kaya mu­ling pinabago ang schedule ng miting.

Sa ikatlong pagkakataon, muling itinakda ang pagpupulong subalit wala naman ang mambabatas sa kanyang opisina. Pinaghintay pa sila ng mga staff dahil male-late lang daw ang senador pero makalipas ang dala­wang oras, kanselado na naman ang meeting. Hindi na raw pupunta sa kanyang tanggapan ang senador dahil sa sobrang trapik.

Kaya naman labis ang pagkadismaya ng mga naghintay na mga opisyal ng barangay dahil pina­balik-balik lang at pinaasa lang sila subalit hindi naman pala matutuloy ang kanilang pagpupulong.

Ang masama pa nito, hindi man lang umano binigyan ng konting pamasahe ang grupo ng mga barangay official sa kabila ng ilang beses nilang pagpapabalik-balik sa Senado para lamang makausap nila ang nasabing bagitong mambabatas. Sino siya?

Clue: Baguhan ang senador na ito na hindi akalaing makakapasok sa Top 12 sa nagdaang se­natorial election dahil sumadsad ang rating nito sa survey bago ang halalan. May letrang O kanyang apelyido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy