Una sa Balita

Mga biktima ng China

By
0 1,811

Kung hindi mag-iingat ang mga lider ng ating bansa sa pangungutang sa China, hindi malayong mapabilang din tayo sa mga naging biktima ng kanilang katusuhan.

Maingay ngayon sa international at local media kung paano ginigipit ng China ang mahihirap na bansa na kanilang pinapautang.

Noong Disyembre 2017, napilitan ang Sri Lanka na i-turn-over sa China ang kanilang Hambantota Port matapos mabigo na bayaran ang kanilang utang. Sumunod din dito ang Port City of Mabosa sa Kenya.

Parehong pinondohan ng China ang kanilang railway projects. At dahil hindi makabayad sa utang, napilitan ang mga bansang ito na isuko ang kanilang pangunahing pantalan na siyang napakahalaga sa kanilang ekonomiya.

May babala na rin si dating Maldives President Mohamed Nasheed na sa susunod na taon hanggang 2020 ay posibleng angkinin ng China ang mga lupain sa Maldives dahil hindi sila makabayad ng utang na umaabot ng $1.5 hanggang $2 billion.

Sa katunayan, noong nakaraang buwan ay nagpadala na rin ang China ng 11 warships sa East Indian Ocean kaya kabado ang oposisyon na maganap ang pina­ngangambahan nila na tuluyang makontrol ng China ang kanilang bansa kapalit ng kanilang utang.

Noong 2017, napi­litan ang Djibouti na pa­yagan ang China na magtayo doon ng kanilang kauna-una­hang overseas military base dahil sa hindi mabayarang utang. Ngunit hanggang nga­yon ay patuloy pa rin ang kanilang paniningil.

Nasa bingid na rin ng alanganin ngayon ang Venezuela na nakautang ng $63 billion sa China dahil nasa gitna sila ng economic crisis.

Ngayon, pine-pressure sila ng Beijing na magbayad ng langis kaya posibleng hindi makabangon sa krisis ang bansang ito.

Nagkaroon na rin ng access ang China sa natural gas supplies sa Turkmenistan dahil sa parehong problema sa utang na hindi nila mabayaran.

Kung mapapansin ninyo, ang mga bansang mahihirap ang gustong-gusto pautangin ng China para pondohan ang kanilang mga impraestruktura at kapag hindi na makabayad ay sapilitan ang ginagawang paniningil.

Hindi ito malayong mangyari sa Pilipinas dahil ang China ang nagpapautang para mapondohan ang ‘Build, Build, Build’ ng administrasyong Duterte.

Hindi malinaw sa mga Filipino kung papaano at saan kukunin ang pambayad sa utang sa China at hindi nililinaw kung ano ang mangyayari kapag hindi tayo nakabayad sa kanila.

Kung titingnan nang maigi ang naging karanasan ng ibang mga bansa sa pangungutang sa China, hindi maiwasang isipin na maaa­ring nanganganib din ang ating mga teritoryo natin lalo pa at pinag-iinteresan ng China ang West Philippine Sea at maging sa Benham o Philippine Rise.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy