Una sa Balita

Mga biktima ng Bulacan massacre inilibing na

By
0 252

Mula sa malagim na krimen, inilibing na itong hapon ng Miyerkules ang limang biktima ng massacre sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Bago nito nagkaroon ng misa sa St. Joseph Church kung saan narito ang naulila ng mga biktima na si Dexter Carlos Sr. saka nagtungo sa Citrus Public Cemetery.

Si Dexter Carlos Sr., ang padre de pamilya ng mag-anak na minasaker. (Art Son)

Ang mga naging biktima ng pamamaslang ay sina Auring Dizon, 58; asawang si Estrella Dizon, 28; at mga anak na sina Donnie, 11; Ella, 7 at Dexter Jr. Nangyari ang krimen sa kanilang bahay noong June 27 sa Northridge Royal­ Subdivision, Barangay Sto. Cristo ng nasabing bayan.

Ang senaryo sa paglilibing sa Citrus Public Cemetery sa mga labi ng mga biktimang pinaslang. (Art Son)

Bagama’t napakahirap tanggapin kay Carlos ang sinapit ng kanyang pamilya, ayon sa kanya ay nanatiling matatag ito upang mahanap ang katarungang nararapat sa kanila.

Sa pagbisita nitong Martes nina Pangulong Rodrigo Duterte at PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, umaasa si Carlos sa malaking pag-asa at tulong ng maibibigay ng pamahalaan sa pagkamit ng katarungan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy