Una sa Balita

Mga biktima ng baha sa Jakarta kinasuhan ang gobyerno

By
0 393

Naghahabol ng compensation mula sa kanilang gobyerno ang mga residente sa Jakarta, Indonesia dahil sa pinsala ng baha sa kanilang kabuhayan at mabagal na aksyon ng pamahalaan.

Nagsimula ang malawakang baha sa Jakarta noong New Year’s Day, dalawang linggo ang nakalipas ay hirap pa ring makapagbukas ang mga negosyo dahil sa patuloy na pagsasaayos sa lugar.

Sa Jakarta pa lang umano ay nasa 300 tindahan ang sarado, ayon sa The Jakarta Post.

Ayon sa doughnut factory owner na si Andri Purba sa Channel News Asia, hindi aniya nagbigay ng babala ang kanilang gobyerno sa pagbaha.

Marami rin umano ang namatay dahil sa mabagal na pag-rescue sa mga na-trap na residente.

Kaya nais nilang mabayaran sila ng 42.3 billion rupiah (US$3.08 million) ng Jakarta government.

Inihain ang kaso sa Central Jakarta District Court nitong Lunes kung saan kinatawan ang mga petitioner ng isang grupo ng mga abogado sa ilalim ng pangalan na “2020 Jakarta Flood Victims Advocacy Team”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More