Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga biker nagprotesta vs karahasan sa bata

0 143

Isang grupo ng mga biker mula sa Child Rights Network (CRN) Philippines ang nagsagawa ng kilos protesta nitong Linggo ng umaga sa Quezon City para ipanawagan na protektahan ang karapatan ng mga bata laban sa karahasan.

Nagsimula ang kilos protesta sa Boy Scout Circle sa Timog Avenue at dumiretso sila sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) upang kalampagin ito hinggil sa karapatan ng mga bata sa bansa.

Ang CRN ay alyansa ng mga grupo o organisasyon sa Pilipinas na nagsusulong ng karapatan ng mga bata laban sa pang-aabusong sekswal, child marriage at iba pang paglapastangan sa kanilang murang edad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.