Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bigating kriminal ihiwalay ng selda

0 156

Sa botong 222 pabor at walang tutol, lusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang naglalayong magtayo ng hiwalay na kulungan para sa mga high-level offender na hinatulan ng pagkabilanggo dahil sa karumal-dumal na krimen.

Sa House Bill No. 10355 o Separate Facility for High-Level Offenders Act nakasaad na ang Bureau of Corrections ay ina-atasan na magtayo ng kulungan na malayo sa lugar na maraming tao.

Hindi umano bababa sa tatlong pasilidad para sa mga high-level offender ang itatayo sa bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Nakasaad pa rin sa panukala ang pagbibigay ng oversight power sa dalawang kapulungan ng Kongreso upang masiguro na maayos ang implementasyon ng batas. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.