Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bigatin sa US, China, Thailand, Vietnam present sa inagurasyon

0 100

Ilang matataas na opisyal ng Thailand, Vietnam, China at Amerika ang dadalo sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni incoming Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang press briefing kahapon.

Kabilang sa mga kumpirmadong dadalo ay sina US Second Gentleman Douglas Emhoff, Vice President Wang Qishan ng China, Australian Governor General David Hurley, Vietnam Vice President Vô Thi Ánh Xuân, Japanese Foreign Minister Yoshimasa Hayashi at Malaysian Foreign Minister Dato Sri Saifuddin Abdullah. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.