Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga batang COVID positive sa PGH nakarekober

0 201

Nakarekober na mula sa COVID 19 ang karamihan ng mga batang in-admit sa Philippine General Hospital (PGH).

Ayon kay PGH Spokesman Jonas del Rosario, nakarekober ang mga bata sa kabila na naging kritikal at malala ang sintomas ng kanilang COVID19.

Nabatid na walong bata ang naka-admit sa pedia ward na may edad hanggang 15-anyos.

“Ang maganda naman po, kahit nagiging severe o critical ang mga bata, majority po talagang nakaka-recover. It might take a longer time,” ani Del Rosario.

Isa sa magulang ng yata ang pinayagan na makasama ang kanyang anak sa ICU dahil sanggol pa lamang ito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.