Una sa Balita

Mga batang aktres kinilatis ni Bong

0 401

Nag-umpisa na ang production staff sa preparation para sa nalalapit na show ni Sen. Bong Revilla. Nakita namin nu’ng dumating si Sen. Bong sa Kapuso station para ma-meet ang mga probable actress na karamihan ay mga bata, na makakasama niya sa bagong show.

Confidential muna at look test muna ang kanilang ginawa para makita kung sino ang babagay kay Bong.

Ang alam ko ay sa February magpa-pilot ang show ni Bong. At again, dedma ang GMA sa mga basher ng upcoming show na ito ni Bong.

Pilita, Claire nakabalik na sa Maynila

Finally ay nakabalik na sa Manila ang grupo nina Ruru Madrid, Pilita Corrales, Claire dela Fuente at Jay-R from Cebu, after ma-stranded nga sila due to cancelled flights to Manila dahil sa pagsabog ng Taal volcano.

Ang nakarating sa amin ay magkakaiba sila ng flight, pero okay na rin ‘yun at ang importante ay nakauwi na sila. Wala raw silang dalang mga damit na pamalit dahil balikan lang naman ang plano. Kaya baka bumili na lang sila ng damit doon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More