Una sa Balita

Mga batang 90s mas mapusok, matapang

By
0 424

Para sa mga millennial na nagtataka kung bakit nag-viral sa social media ang reunion ng cast ng ‘90s teen series na “TGIS”, ang dahilan ay ang naturang iconic teen show ang nanguna sa pagtalakay sa ilang mga sensitibo, mapusok, matapang na mga issue sa mga teenager noong panahon na iyon.

Umere ito noong August 12, 1995 at nagwakas ito noong May 31, 1997.

Nagkaroon ito ng dalawang spinoffs. Una ay ang second batch ng “TGIS” na nagtampok sa mga loveteam nina Dingdong Dantes-Antoinette Taus, Polo Ravales-Sunshine Dizon, Dino Guevarra-Kim delos Reyes at Chubi del Rosario-Anne Curtis na nagsimula noong June 7, 1997 at nagtapos noong November 27, 1999.

Pangalawa ay ang “Growing Up”, still with the original “TGIS” cast at isinama pa sina Donna Cruz at Jake Roxas na nagsimula noong June 2, 1997 at nagtapos noong February 12, 1999.

Dahil sa pagiging phenomenal ng show, nagkaroon ng film version ang show na “TGIS The Movi­e” at pinagsama pa ang cast sa isang horror film na “Takot Ka Ba Sa Dilim”.

Pinasikat din ng “TGIS” ang ilang mga teen star na hanggang ngayon ay aktibo pa sa TV at pelikula.
Kaya balikan natin ang ilan sa original cast ng “TGIS”, kung sino ba ang nandiyan pa rin sa showbiz at sino ang mga pumili na lisanin ang showbiz para sa mas tahimik na buhay.

ANGELU DE LEON:
Mula sa kanyang si­­mula sa “Ang TV” ng ABS-CBN 2, nagning­ning ang bituin ni Angelu nang gampanan niya ang role bilang si Peachy sa “TGIS”.
Maraming teens ang naka-relate sa pagiging kikay at pagiging hopeless romantic ni Peachy sa series.
Ang pakikipagtambal ni Angelu kay Bobby Andrews sa series ay nauwi sa pagiging isa pheno­menal loveteams noong ‘90s. Bukod sa “TGIS”, nagbida ang dalawa sa mga box-office hit films na “Laging Naroon Ka”, “Wala Na Bang Pag-ibig”, “Ikaw Na Sana: The Mo­vie” at “Ang Lahat Ng Ito Pati Na Ang Langit”.
Married with three kids, aktibo pa rin sa showbiz si Angelu at lumalabas pa rin ito sa mga teleserye sa GMA-7. Huli siyang napanood sa teleserye na “Sirkus” at “The Stepsisters”.
BOBBY ANDREWS:
Naging instant heartthrob si Bobby Andrews nang itambal ang cha­racter niya sa “TGIS” na si Wacks kay Peachy.
Dahil kikay si Peachy, bumagay ito sa seryoso at conservative persona­lity ni Wacks.
May sariling pamilya na at napapanood pa rin si Bobby sa mga teleserye ng GMA-7 at ABS-CBN. Kasalukuyang napapanood siya sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

ONEMIG BONDOC:
Ang playboy character ni Onemig bilang JM ang unang pina-partner kay Peachy bago dumating si Wacks. Kaya naging love triangle ito hanggang sa hanapan ng ibang partner si Onemig dahil biglang sumikat ang Angelu-Bobby loveteam.
After “TGIS” and “Growing Up”, lumipat si Onemig sa bakuran ng ABS-CBN kunsaan agad siyang pinagbida sa isang one-month stint sa Star Drama Theater at pinasok siya sa mga shows tulad ng “Labs Ko si Babes”, “!Oka Tokat”, “Attagirl”, “Pangako Sa ‘Yo”, “Buttercup” at “Marina”.
Taong 2006 nang talikuran ni Onemig ang showbiz at inamin nito na nalulong siya sa paggamit ng pinagbabawal na gamot.

RAVEN VILLA­NUEVA:
Timid and shy ang character ni Raven na si Cris sa “TGIS”. Siya ‘yung laging humihingi ng advice kay Peachy pagda­ting sa kahit ano.
Nakarelasyon niya sa series si Micky (played by Michael Flores) pero noong ipasok si Diego Castro bilang semi-re­gular sa “TGIS” after itong matanggal sa cast ng rival show na “Gimik”, nagkaroon sila ng totoong relasyon at nabuntis si Raven.
Kinasal sila ni Diego sa US kunsaan ipina­nganak ni Raven ang daughte­r nilang si Angelica noong 1998. Pero hindi nagtagal ang pagsasama ng dalawa at nag-divorce sila.
Sinubukan ni Raven na bumalik sa showbiz pero sexy na ang image nito sa mga pelikulang “Dos Ekis”, “Hari ng Selda” at “Mama San”.
Huling balita sa kanya ay kinasal ito sa isang American minister at nakatira na sa Ohio.

MICHAEL FLORES:
Mula sa pagi­ging member ng sikat na dance group noong ‘90s na The Maneuvers, pinag-audition si Michael para sa “TGIS” at binigay sa kanya ang role ng makulit at chickboy na si Micky.
Pinartner siya kay Raven sa “TGIS” at nagkasama sila sa ilang pelikula.
Ilang years pagkatapos ng “TGIS” nakilala ni Michael ang beauty queen na si Nina Ricci Ala­gao. Nauwi iyon sa dating hanggang sa ikasal sila. Meron silang tatlong anak na lalake.
Active pa rin si Mike sa showbiz at huli siyang napanood sa teleserye na “Alyas Robin Hood” sa GMA-7 at “Wildflower” sa ABS-CBN.

RED STERNBERG:
Ang character ni Red sa “TGIS” bilang si Kiko ang walang naging ka-loveteam.
Bini-build up bilang comedian si Red ng Viva Films at ginawa siyang funny sidekick sa mga pelikulang “Laging Naroon Ka”, “Where D’ Girls Are” at “Silaw”. Hanggang sa gawin siyang bida sa pelikulang “It’s Cool Bulol” with Rica Peralejo.
Married with two daughters na si Red at tahimik na itong naninirahan sa Amerika.

RICA PERALEJO:
Nakasama sa “TGIS” si Rica bilang si Mitch noong 1995. Nakasama pa ang character niya sa “TGIS The Movie”. Pero na-cut short ang kanyang role dahil noong 1997 ay bumalik siya sa ABS-CBN para isama sa rival show ng “TGIS” na “Gimik”.
Noong naka-graduate na sa teeny-bopper roles si Rica, pinili nitong magkaroon ng bold image at nagpakita ito ng kanyang alindog sa mga pelikulang “Balahibong Pusa”, “Sa Huling Paghihintay”, “Dos Ekis”, “Tatarin” at “Hibla”.
Tinalikuran ni Rica ang bold image noong 2003 at nakilala niya ang kanyang naging mister na si Joseph Bonifacio, isang pastor sa church kunsaan kabilang ang aktres. Me­ron silang isang anak.
Semi-active sa showbiz si Rica at paminsan-minsan ay tumatanggap siya ng guestings sa mga talk shows at teleserye.

CIARA SOTTO:
Ang character ni Ciara na si Rain ang naging ka-loveteam ng character ni Onemig na si JM sa “TGIS”. Sinubukan pa ang team-up nila sa big screen via “TGIS The Movie”.
Tumawid pa ang Rain character ni Ciara sa spinoff ng “TGIS” na “Growing Up”. Pero noong taong na iyon ay lumipat na si Onemig sa ABS-CBN.
Taong 2001 ay lumipat si Ciara sa ABS-CBN at muli silang nagkasama ni Onemig sa show na “Buttercup”.
Kinasal si Ciara noong 2010 kay Jojo Oconer, pero naghiwalay sila noong 2016. Meron silang isang anak na la­lake.
Active pa rin sa acting si Ciara at napapanood siya sa teleserye na Contessa.
Nagtuturo na rin ng pole dancing si Ciara simula noong magustuhan niya ang activity na ito noong 2010.