Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bata iraratsada pagbakuna

0 193

Bibilisan ng gobyerno ang pagbakuna sa kabataang edad 12-17 para makapag-face-to-face na ang mga ito at mapigilan ang pagtaas ng mga batang nakakaranas ng depression at mga sakit dahil sa matagal na pananatili sa mga bahay.

Ito ang inihayag ni vaccinne czar Secretary Carlito Galvez dahil sa mga batang nakakaranas ng mental problem bunsod ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Galvez, target ng gobyerno na mabakunahan ng COVID vaccine ang mayorya ng kabataan para makabalik na ang mga ito sa eskuwela at magkaroon muli ng normal na paraan ng pag-aaral.

“Naka-align tayo sa programa nina Secretary Briones at Secretary De Vera na gusto naming mag-open na ‘yong schools kasi nakita natin nagsa-suffer na ‘yong mental development ng ating kabataan at adolescence,and also to prevent them from severe diseases at hospitalization,” ani Galvez.

Sa bawat lima aniyang naoospital ay isa rito ang bata dahil sa epekto ng matagal na pananatili sa bahay dahil sa pandemya.

Tiniyak ni Galvez na sapat ang supply ng Pfizer vaccines na ituturok sa mga bata dahil sunod-sunod ang pagdating ng bakuna sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.