Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bata bawal sa dolomite beach

0 137

Pinaalala ng Malacañang na hindi pa puwedeng mamasyal at gumala ang mga bata maliban na lamang kung importante kaya hindi pa dapat na namamasyal ang mga menor de edad dahil mayroon pang pandemya.

“Ang mga bata for essentials lang po na dapat lumalabas sa kanilang tahanan, hindi pa pupuwede talagang magpasyal-pasyal ang mga bata,” pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque sa pagbuhos ng mga tao kabilang ang mga bata sa dolomite beach sa Manila Bay.

Kasabay nito ay kinalampag ng Malacañang ang Manila Police District na ipatupad ang umiiral na basic health protocols partikularNsa social distancing matapos dumagsa ang maraming tao sa dolomite beach nitong Linggo.

Giit ni Roque na hindi ipinagkakait ang dolomite beach subalit hindi rin dapat ma­ging dahilan ito para dumami na naman ang COVID cases sa Metro Manila.

“Nananawagan po kami sa kapulisan diyan sa Maynila, kinakailangan po ipatupad natin ang social distancing. Ang dolomite eh for the enjoyment of everyone pero huwag naman maging dahilan ‘yan para magkaroon ng superspreader event,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.