Una sa Balita

Mga basketbolista nagbigay-pugay­ sa mga ilaw ng tahanan

0 279

May kasabihan, “Behind every successful man, there stands a woman.”

At sa espesyal na araw para sa mga ilaw ng tahanan, bumuhos ang pagbati sa kanilang mga mahal sa buhay.

Para sa bagong tatay na si Paul Lee, kanyang pinasala­matan ang asawang si Rubie dahil sa mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.

“Happy Mother’s day Mommy @rubiechualee, maraming salamat sa sakripisyo mo sa pamilya natin mommy lalo na sa baby natin na si @tokyochua lee sobrang saludo ako sayo lalo na sa pagiging ina kay Tokyo,” ayon sa ‘Angas ng Tondo’.

Kanya ring biniro ang asawa kung gusto na nitong sundan ang kanilang panganay.

Short pero sweet naman ang naging pagbati ni Rain or Shine scorer James Yap sa kanyang partner na si Michela Cazzola sa dala­wa nilang tsikiting na sina Jean Michael at Anielle Micaela.

“Happy Mother’s Day to the most wonderful Mother, I appreciate what you do everyday for our two beautiful children,” ani Yap.

Si Kiefer naman, binida ang pagiging matatag na matriarch ng Ravena family na si Mozzy, na kilalang pamilya ng mga magagaling na atleta.

“Happy mama’s day to the strongest person i know. You keep everything in perspective. Your patience and understanding is unbelievable! We love you, @ravenamozzy,” saad ng NLEX guard.

No. 1 fan ang paglalarawan ni Andy Mark Barroca sa kanyang kabiyak na si Ruselle dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa basketbolista.

“Happy Mother’s Day mahal ko. Thank you sa pagmamahal mo at pag-aaruga mo sa anak natin… We love you so much mahal ko,” mensahe ni Barroca­ sa asawa. (Ray Mark Patriarca)­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy