Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga basher tameme: Singit ni KC pinagpiyestahan sa IG

0 195

Naka-off  na ang comment section sa latest photo ni KC Concepcion sa Instagram.

Well, ang dami na naman kasing nag-react, ang iba ay super violent ang drama, dahil sa photo ni KC na  naka-one piece bathing suit siya na kulay pink ba `yon o fuchsia, na pinatungan ng polo, na may kasamang dog, at nakasalampak sa sahig.

Kasi nga, sobrang inviting ang photo na `yon ni KC, na nakasalampak nga, pero nakabuka naman ang legs. Ang isang leg kasi niya ay nakataas at nakababa ang isa. So, ang tendency, bumuka talaga ang dalawang legs niya, na siyang naging ugat nga para bumuhos ang reaksiyon.

At para maiwasan ang matitindi o malalaswang komento, minabuti  na nga na i-off ang comment section.

“Living life one day at a time,” ang caption ni KC.

Pero, hindi mo talaga maiiwasan na tumitig sa singit ni KC, na lantad nga sa photo. Although, super ganda rin kasi ni KC sa photo na `yon, na para nga siyang isang beauty queen, hindi lang talaga ma-avoid na mapatitig ka sa bahaging `yon.

May mga tao pa rin kasi na hindi masanay-sanay sa pagiging liberated, malakas ang loob, dedmatic na ugali ni KC, na ang feeling nila, dahil anak siya ni Sharon Cuneta kay Gabby Concepcion, na nag-aral sa ibang bansa, dapat ay ganito lang, o limitado lang ang ginagawa niya sa social media.

SM food to go Banner Ad

Pero, `yun nga, nakalimutan nila na si KC ay laki rin sa ibang bansa, na ang impluwensiya niya ay mula sa mga babae na walang pakialam, o hindi naman big deal, kung maglantad sila ng alindog, o ang iba nga ay walang paki kung maglabas ng boobs at hiyas nila, lalo na kapag nasa beach sila, di ba?

But again, kahit ano naman ang sabihin ng iba tungkol kay KC, hindi maipagkakaila, na isa si KC sa mga artista, celebrity, na maraming ginagawa para sa mga kababayan natin.

Na isa si KC sa mga aktres na nag-iisip kung paano tumulong sa mga nangangailangan, lalo na sa mga nagugutom.

Remember, may KC Cares project siya, na nagbibigay ng datung, bisikleta sa mga naghihirap. Kaya nga, nakakatuwa na ang mga supporter rin ni KC, lalo na `yung mga nakakaangt sa buhay, o nakakaluwag-luwag, nagbibigay ng ayuda kay KC, na ipamimigay rin sa mga nangangailangan.

“We don’t have to be acknowledged. As your slogan says, ‘Sharing is Caring.’ We care to share our blessings coz we are blessed to bless others,” sabi pa ng mga fan ni KC.

“Thank you for the love,” ang sagot ni KC sa mga fan.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.