Una sa Balita

Mga basher ‘ramdam’ ni Guiao

0 349

SA kabila ng 0-3 resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa group stage ng FIBA World Cup sa Foshan, China, positibo pa rin si coach Yeng Guiao.

Maraming kritiko, hindi tumitigil ang bashers.

Pero hindi nagpapaapekto ang buong team.

“Of course to me, if you look at the criticisms, the negative comments, the bashers, I can understand that,” giit ni Guiao.

Kaysa magmukmok sa mga negatibong bagay, mas mainam na mag-focus ang Filipinos sa dalawang huling laro sa classification phase taya ang isang slot sa 2020 Tokyo Olympics.

“To me and the rest of the team, that’s not going to help if you focus on those things,” dagdag ng coach. “That’s not going to help so why think of something that’s not going to help you anyway.”

May laro pa, hindi pa tapos ang laban.

“I guess the thing to do now is regroup and focus on playing better in the next games, which I think are winnable games,” paliwanag ng 60-anyos na mentor.

Lilipat daw sila ng Beijing na ang mindset ay mag-improve sa ranking.

Pagbalik ng Pilipinas, asahan na ang mas marami pang patama sa Gilas at sa coaching staff.

May maagang mensahe si Guiao:

“When we get back to Manila, we don’t need to answer to anything. I’m going to answer anyone who will question our performance here.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy