Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga barrio doctor ayaw palipat sa Cebu City

0 405

Inangalan ng dalawang batch ng Doctors to the Barrios (DTTB) program ang direktiba ng Department of Health (DOH) na ipadala sa Cebu City ang kanilang hanay para tumulong sa paglaban sa COVID-19 pandemic.

Kinondena ng Batch 36-ALAB at 37-MANDALA ang direktiba dahil ang mga pinadalang doktor ay hindi man lamang umano sinulatan, walang konsultasyon, walang detalye ng guideline at protocol para sa proteksyon ng mga ito na taliwas sa DTTB program.

Ang kawalan umano ng tamang komunikasyon para sa temporary assignment ng isang rural doctor na nagsisilbi sa isang geographically isolated and disadvantaged area o GIDA para magsilbi sa pribadong ospital sa Cebu ay malinaw na paglabag sa Magna Carta of Public Health Workers.

Ipinunto pa nila na nilikha ang DTTB program noong 1993 para matugunan ang kakulangan ng doktor sa mga rural community partikular sa mga GIDA. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.