Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga barangay official tuturuang gumastos sa pondo ng bayan

0 101

Isusulong ng papasok na administrasyong Marcos ang pagbibigay ng capacity-building training sa lahat ng opisyal ng barangay para sa maayos nilang paggastos sa pondong ilalaan sa kanila ng gobyerno.

Ayon kay Executive Secretary-designate Atty. Vic Rodriguez, lala­ki ang ibababang pondo sa barangay dahil sa Mandanas-Garcia ruling ng Korte Suprema.

Sa ngayon ay sumasailalim na sa nasabing pagsasanay ang ilang barangay sa Quezon City. Aniya, eeksena na rin sina incoming Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. at incoming Undersecretary Felicito ‘Chito’ Valmocina para masiguro na matuturuan ang lahat ng opisyal ng mga barangay ng mahusay na paggamit ng kanilang pondo para mapaganda ang kanilang lugar.

“I know you’ve been doing a lot of capability-building seminars but, not all barangays are fortunate like you here in Quezon City… but ‘yung mga hindi pa, with the incoming DILG Secretary Abalos, you’ll be in very good hands,” dagdag pa ni Rodriguez. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.