Una sa Balita

Mga barangay kasado sa paglilinis ng Tullahan River

By
0 792

SASALI na rin sa malawakang paglilinis ng Tullahan River ang mga barangay na nakapaligid dito bilang bahagi ng isinasagawang rehabilitasyon sa Manila Bay.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) climate change service officer-in-charge director Elenida Basug, lalagda sa isang kasunduan ang mga opisyal ng pamahalaang-lokal sa paligid ng ilog para sa magiging tungkulin nila sa pormal na pakikipagsa­nib-puwersa sa DENR at San Miguel Corporation (SMC) na siyang partner ng ahensya sa paglilinis ng ilog.

Sinabi ni Basug na ipa­tutupad ng mga incumbent at incoming local official ang nakasaad sa mga kasunduan.

Noong Marso 4, nagkaloob ng isang bilyong piso ang SMC sa DENR matapos lumagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sina DENR secretary Roy Cimatu at SMC president and chief operating officer (COO) Ramon S. Ang bilang hudyat ng kanilang opisyal na pagsasanib-puwersa sa gagawing paghuhukay at paglilinis sa 59.24 kilome­trong ilog na nag-umpisa mula sa La Mesa Reservoir at tumatagos sa mga lungsod ng Valenzuela at Malabon bago lumabas sa Manila Bay.

Sa ilalim ng limang taong kasunduan, isasagawa ng SMC ang dredging at clean-up plan ng DENR para mabawasan ang mga basura at lumulutang na mga debris sa tubig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy