Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga barangay health worker busog sa biyaya

0 169

Inaprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers (BHW).

Sa ilalim ng House Bill No. 10699 ang BHW ay isang indibidwal na sumailalim sa pagsasanay sa isang accredited government o non-government organization at boluntaryong nagbibigay ng healthcare service sa isang komunidad.

Inatasan ang bawat municipal at city health office na gumawa ng listahan ng mga BHW sa kanilang lugar na siyang isusumite sa Provincial Health Board at Department of Health (DOH).

Ang isang accredited BHW ay bibigyan ng hindi bababa sa P3,000 honoraria kada buwan. Bibigyan din ng 20% diskuwento sa mga item na nakalista sa Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Bibigyan ang mga BHW ng hazard, subsistence at transportation allowance at mayroong sick, vacation, at maternity leave. May one-time retirement cash incentive din na hindi bababa sa P10,000 at insurance benefit package ng Government Service Insurance System. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.