Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mga bakunado pwedeng maging milyonaryo

0 122

May tsansang maging milyonaryo ang mga bakunado na laban sa coronavirus sa pa-raffle ng Department of Health at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Bukod sa P1 milyong papremyo sa grand draw sa December, 100 bakunado ang maaari namang manalo ng pera sa monthly draw mula October hanggang November.

Kailangan lang magparehistro sa pamamagitan ng pag-text ng RESBAKUNAREG NAME/AGE/ADDRESS at i-send ito sa 8933.

Para naman makapagpadala ng raffle entries, i-text lang ang RESBAKUNA unang letra ng brand ng bakunang tinanggap/pang-ilang dose/LGU/petsa ng bakuna at i-send sa 8933.

Sa mga may unang dose, mayroong isang raffle entry (+1 kung senior citizen) at dalawang raffle entry naman kapag naka-dalawang dose na (+2 kung senior citizen).

Kung J&J ang bakuna, tatlong entry sa unang dose (+3 kung senior citizen). (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.